Go To...

Saturday, March 30, 2013

A Call To Arms (Throwback: Vintage Facebook)

Dahil bago na naman ang layout ng Facebook ngayon, nakita ko tuloy yung mga nakabaon na notes ng taong stina-stalk ko ngayon dahil namimiss ko na siya :'( pero parang himala na magkakatagpo pa kami. So, in remembrance of our friendship, gagawin ko uli yung note na yun pero dito na lang muna sa blog ko:

1. Put your iPod (or MP3 player, iTunes, etc.) on shuffle.
2. For each question, press the next button to get your answer.
3. YOU MUST WRITE THAT SONG NAME DOWN NO MATTER HOW SILLY IT SOUNDS!
4. Tag friends who might enjoy doing the note as well as the person you got the note from.


IF SOMEONE SAYS "IS THIS OKAY" YOU SAY?
Earth, Wind and Fire - Reasons
~k. dyan naman ako magaling, magdahilan. haha char!

WHAT WOULD BEST DESCRIBE YOUR PERSONALITY?
Bamboo - Little Child
~uhh, parang bata? isip-bata? haha!

WHAT DO YOU LIKE IN A GIRL/GUY?
Lady Gaga - The Edge of Glory
~"
I need a man that thinks it's right when it's all wrong tonight" wow, dangerous lang ang peg! haha!

WHAT IS YOUR LIFE'S PURPOSE?
Ashanti - Foolish
~"my days are cold without you, but i'm hurting while i'm with you" martyr sa pag-ibig lang ang peg. chaka!

WHAT IS YOUR MOTTO? 

Spice Girls - Viva Forever
~sakto! haha!

WHAT DO YOUR FRIENDS THINK OF YOU?
Lenka - Two
~"
Hold me closer, never let me go. I don't want any other baby... lalalala" --- hindi ako clingy oy! or at least ito yung alam ko. haha!

WHAT DO YOU THINK ABOUT VERY OFTEN?
Gloc 9 ft. Bamboo - Salarin
~sino ang salarin? tsarlot!

WHAT IS 2+2?
Jaya - Maybe This Time
~. . .

WHAT DO YOU THINK OF YOUR BEST FRIEND?
Allison Iraheta - I Can't Make You Love Me
~GAGO TO AH! ayoko sana nagmumura sa blog ko, pero TANGINA =)) pero dahil dito, okay, natauhan na ako. my music player has spoken =)))))

WHAT DO YOU THINK OF THE PERSON YOU LIKE?
Kris Allen - Better With You
~"wherever I go, whatever I'll do, stay by my side 'cause baby it's always better with you :)" biglang bawi dito oh! hahaha! pero huhu, sana nga...


WHAT IS YOUR LIFE STORY?
Michael Jackson - The Way You Make Me Feel
~wow ah haha!

WHAT DO YOU THINK WHEN YOU SEE THE PERSON YOU LIKE?
Lady Gaga - Speechless
~the title says it all. -.-

WHAT DO YOUR PARENTS THINK OF YOU?
Up Dharma Down - Silid
~"hihinto ang mundo para lang sa iyo." ...feeling! haha!

WHAT WILL YOU DANCE TO AT YOUR WEDDING?
David Archuleta - Nandito Ako
~shet, pang-sawi. :(( ba't ganun? :))

WHAT WILL THEY PLAY AT YOUR FUNERAL?
Jennifer Lopez - I'm Into You
~HAHAH! SHOCKS :)) party-party ang funeral? streyz!

WHAT IS YOUR HOBBY/INTEREST?
Urbandub - Evidence
~haha! maghanap ng evidence a.k.a mang-stalk. churet :))

WHAT IS YOUR BIGGEST SECRET?
Eric Clapton - Wonderful Tonight
~"i say yes, you look wonderful tonight." . . . ? wala pa akong maaalalang dapat ko sasabihan nyan pero di ko ginawa. o.o chos

WHAT DO YOU THINK OF YOUR FRIENDS?

The Downtown Fiction - Super Bass
~boom!

WHAT'S THE WORST THING THAT COULD HAPPEN?
Stevie Wonder - Part-Time Lover
~mahirap talaga maging kabit. haha char

HOW WILL YOU DIE?
Rent OST - Out Tonight
~so gabi, tapos sa labas. okay, noted.

WHAT IS THE ONE THING YOU REGRET?
Up Dharma Down - Tadhana
~"ba't 'di pa patulan ang pagsuyong nagkulang, tayong umaasang hilaga't kanluran? ikaw ang hantungan at bilang kanlungan mo, ako ang sasagip sa'yo." i wanted to be that person. -.- churet. emo. haha! 

WHAT MAKES YOU LAUGH?
Spice Girls - Stop!

~okay, sapat nang marinig ko ang kantang ito para sumaya ako. haha!

WHAT MAKES YOU CRY?

Paramore - Brighter
~"you shine brighter than anyone..." naks! tears of joy for others lang ang peg. :))

WILL YOU EVER GET MARRIED?

Led Zeppelin - Kashmir
~whatever this means. haha!

WHAT SCARES YOU THE MOST? 

The Ting Tings - Fruit Machine
~fruits? pwede rin. di ako mahilig sa prutas lalo na yung exotic yung dating. haha!

DOES ANYONE LIKE YOU?
Bamboo - Peace Man
~peace na lang daw yung sagot dito kasi waley. haha chos.

IF YOU COULD GO BACK IN TIME, WHAT WOULD YOU CHANGE? 

Jason Mraz - You and I Both 
~ . . . ///

WHAT HURTS RIGHT NOW? 

Carly Smithson - Come Together
~...kasi hindi namin magawa 'to ng aking blockmates ////

WHAT WILL YOU POST THIS AS?

Urbandub - A Call To Arms
~go!



---okay, so sa totoo lang grabeng "paradigm shift" ang ginawa ko dito bilang feeling ko high school to first year college ako na nagsasagot ng mga ganitong meme. haha! feeling ko, ang babawww. hahaha! ganito pala pinaggagawa ko dati. xDD

Thursday, March 14, 2013

Dear you

Bigla lang kitang naalala dahil sa isang panaginip. Close na close daw tayo nun. Ang clingy ko pa nga sa'yo kaso alam kong imposible kasi may girlfriend ka. Pero hindi napigilan ng katotohanang yun ang biglaang-panunumbalik ng mga nararamdaman ko para sa'yo. Sa totoo lang, hindi ko alam kung legit itong "It's All Coming Back To Me Now" na drama ng buhay ko ngayon e. Pero namimiss kita. Sobra. Sana lang masabi ko sa'yo 'to kaso ang naiisip ko, "Para saan pa?"

Pero nung nag-break kayo, masama na ako kung masama, bigla akong sumaya. Bigla akong nabuhayan. Pero siyempre, alam kong nagluluksa ka pa (siguro) sa sinapit ng relasyon ninyo at nasa moving on stage ka pa (siguro). Alam ko namang wala akong pag-asa sa'yo lalo pa ngayong wala naman talaga tayong ugnayan sa isa't isa. Sa katunayan, nung April 2012 yung huli nating chat sa Facebook tapos ang huli nating pagkikita? Sa birthday ng isa sa mga kaibigan natin, about two years ago. (Well, ginreet kita nung birthday mo pero hindi talaga siya conversation para sa akin.)

Kahit na wala akong pag-asa sa'yo, abangers nga lang ako. Kaya lang, hindi mo naman alam na abangers ako. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit hanggang ngayon hindi ako maka-move on. Siguro, masyado akong naniwala sa sinasabi nila na hindi makikipagclose nang bongga ang lalaki sa isang babae kung hindi niya nakikitang magkakaroon sila ng something sa future (at madidisprove ko na ito ngayon personally. heh!)

Bukod doon, siguro nakulong ako sa mga alaalang naipon ko na kasama ka. Sa'yo lang kasi ako naging pinaka-close nung mga panahon emo pa ako at tinolerate mo ang pagiging emo ko --- inencourage mo akong mag-open up at sinuportahan mo talaga ako sa mga trip ko sa buhay ko noon lalo na yung pagsusulat ko. Pati nga yung pagkanta-kanta ko, sinuportahan mo e. Nakakatuwa lang isipin na naging close ako sa isang tulad mo. Sobrang nagpapasalamat ako kasi hinayaan mo rin akong pumasok sa buhay mo. Sa totoo lang, crush nga kita nung elementary pa tayo e, hindi ko inakalang magkakaganoon tayo pagdating ng high school.

Kaso nakakaiyak din na hindi ko inalagaan yung pagkakaibigan natin. Out of sight, out of mind yata kasi yung drama natin sa buhay. Or ako lang yun. Pero sa'yo, iba. Kahit kailan, hindi ka nawala sa isip ko. Yun lang, hindi ko alam kung paano magreach-out sa'yo. Damn me and my conscientiousness. Ayoko kasing nakakadistorbo. Sinusuppress ko lang siguro tapos biglang ito na naman kasi malaya ka na.

Alam kong hindi na maibabalik ang dati nating samahan. Siguro nga hindi na tayo magkikita ever. Pero sana matanaw kita kahit minsan lang, yung tipong nagkasalubong lang tayo o nakita lang kitang namamasyal. 'Pag ganyan, sa tadhana na lang ako aasa.

Monday, January 21, 2013

The Unexpected Phone Call

May nangyaring "kakaiba" sa akin kanina.

Habang ako'y papauwi at nakasakay sa FX, biglang may tumawag sa akin from an unknown number. Sabi niya siya raw si Jenny (o Zeny?) tapos mula sa isang international company something something. Alam niyang taga-UP ako in fairness. Nagulat din ako kasi wala pa naman akong alam na pinag-aapplyan ko bukod sa New World for practicum. Tapos iniinvite niya ako for an interview raw sa may Megamall daw. Dahil maingay sa FX, tinanong ko siya kung okay lang na mag-usap na lang kami uli in a few minutes for confirmation kasi hindi ko siya maintindihan. Pumayag naman siya.

Pagdating ko sa paroroonan ko na relatively tahimik kesa sa FX, hinintay ko muna si Mama regarding this kasi medyo may kinalaman 'to sa career ekek so kailangan ko ng guidance. Pero siyempre, naeexcite ako kasi siyempre first job kung saka-sakali tapos ako pa yung inofferan dahil napag-alaman nilang okay raw yung grades ko. (Pero siyempre, sobrang dami pa ng mga taong di hamak na mas magaling kaysa sa akin, bakit ako?)

Nung tinawagan ko na, mas klaro na yung details: LifeGen Technologies daw yung company (pero di gaanong klaro) tapos nakuha raw niya yung number ko from a referral na taga-UP rin na nagwowork sa company. So, medyo nag-isip ako: Bakit hindi na lang nya sabihin kung sino? Wala namang masama. Sa New World nga, yung HR pa yung nakakaalam, o kung hindi nila alam, sila yung nagtatanong kung may referral - dapat specific person. Pero nung kausap ko siya, medyo nagduda na ako kasi ang sabi nya sa may Ortigas daw yung office nila. May nabasa na kasi ako dati na parang nanghihikayat sila ng tao especially fresh grads and young professionals na sumali sa company nila bilang management trainees or project managers mismo (basta maganda yung position) through phone calls; sa totoo lang, networking yung papasukan nung mga kakagat sa invitation nila. Well, ayon yan sa nabasa kong blog.


Saturday, December 15, 2012

I miss...

(in no particular order)

...my friends in UP especially the closest ones <3 br="br">

...SHARPers.

...SHARP activities.

...UP SHARP tambayan.

...sleeping in the tambayan.

...making tambay para lang magkwentuhan at tumawa.

...my boarding house. (I can't believe it too!)

...the cool December breeze in UP Diliman that I feel every second sem (kaya ang sarap matulog pag
second sem!)

...my professors. (Akalain n'yo yun!)

...panlalait sa profs.

...usapang bastos sa tambayan HAHAHA (Hindi ako kasama rito, nakikinig lang.)

...usapang hugot.

...sparks sa tambayan.

... my feasib groupmates, Richard, Joery, Dave and Fil lalo na yung lingguhang overnight kina Richard.

...my function and catering groupmates: Patty, Ian, Anika, Irene, Jocelle, Joery, JD, and Dave.

...my series and catering classmates.

...yung kausap ko sa Sunken Garden nung isang madilim na gabi ng November 2011. :">

...yung feeling na kinikilig nang bonggang-bongga. :""""> <3 ahit="ahit" bago="bago" ko="ko" na-feel="na-feel" na="na" p="p" sobrang="sobrang" tagal="tagal" to="to">
...stressing out about acads.

...stressing out about org.

...stressing out about some people. hihihi

...functions.

...catering.

...eating in the Tearoom.

...going to HRIM majors (kahit nakakatamad pasukan yung iba. hihihi)

...making papers. (very, very light lang)

...costing dishes.

...making projected and actual income statements.

...computing stuff that does not involve algebra, trigonometry, statistics, calculus or anything more
complicated than those mentioned.

...siomai plus milk tea.

...Rodic's (kahit papaano) and Cucina ni Mamang.

...karaoke.

...going out with friends to eat and sing in Music Zone.

...going to Trinoma and SM North.

...walking home at night.

...meetings with HRIM groupmates.

...working with HRIM groupmates.

...working with SHARPers.

...organizing stuff.

...people na hindi lang sa love life umiikot ang mundo.

...cooking at home.

...some of my friends whom I met in high school. Especially you. So sad na wala nang dahilan para pa
magkadaupang-palad tayo.

...Kuya Odie's cupcakes (Sana matikman ko pa sa Feb yung pink cupcakes na gawa ni Kuya Odie <3 p="p">
...patagong inuman sessions. Haha! Kahit isa lang naman talaga ang napuntahan ko.

...food trips around Maginhawa, Matalino, etc. Tree House, anyone?

...having a buddy in SHARP.

...knowing applicants.

...attending HRIM majors.

...attending GE classes.

...attending French and Psychology classes.

...hotel weekends.

...field trips.

...road trips.

...cramming papers (doing papers a night before the deadline)

...super cramming papers (doing papers hours before the deadline)

...sabaw moments with people.

...waking up late because some classes start late.

...waking up super early para lang makaligo tapos tulog uli.

...the feeling of missing food at home.

...not wearing make-up.

...taking a bath and preparing myself to go to school in just 15-20 minutes.

...seeing the sun rise kasi may kina-cram akong paper na inumaga na ako.

...freedom. (See, I suuuuper love my family but I also miss being away from them.)


...intellectual stimulation.

...heart-to-heart conversations.



Sandali pa lang ako nagpra-practicum, namimiss ko na ang mga 'to. What more kung tumagal pa ako at sumabak na (soon) sa "real world"? Haaay.

I'm glad to meet new people but I can't help but, not only miss, long for people I've not been seeing for a long time.

Moving on...

Friday, May 4, 2012

Summer 2012

Summer classes na naman. Hindi pa ako inaantok. Kaya heto ako ngayon, medyo nag-eemo.

Mataas ang expectations ko para sa summer sem na ito, huling summer ko na kasi and I want my last summer class to end with a bang. Ang saya saya saya ko kasi last summer sem. Pero parang kabaliktaran ang nangyayari (maliban na lang sa French 11 class ko, nag-eenjoy ako dito, mas naaappreciate ko pa lalo ang French language).

Naalala ko nung patapos na yung second sem, sobrang atat na ako mag-summer dahil makakakilala na naman ako ng ibang taong nasa ibang kolehiyo pero hanggang ngayon, patapos na yung summer sem, wala pa ako halos nakikilalang ibang tao na labas sa HRIM. Ang problema pa, halos hindi ko na nakikita ang mga kaibigan ko sa HRIM. Halos wala na rin kasing tao sa tambayan kaya medyo nakakatamad pumunta sa CHE teehee saka may sanktwaryo ako sa CAL eh - CAL Lib. Ligtas na ligtas ako sa init ng panahon.

Natatakot lang ako na baka dahil lang sa summer sem na ito, isang buwan ding halos hindi ko sila makikita, eh mangangalawang na rin ang pakikitungo ko sa kanila. Sana hindi. Alam kong hindi. Umaasa akong hindi.