Go To...

Thursday, 31 December 2009

“…So listen to the radio”

Naging malaki ang papel ng radyo sa araw-araw kong pamumuhay. Dahil wala namang TV sa boarding house sa unibersidad kung saan ako nag-aaral, radyo lang ang katuwang ko. SHOCKS! Wala pa akong makausap doon kaya nakakabaliw talaga. ‘Pag dating ko naman dito sa bahay, sira naman ang TV sa may living/dining room namin kaya yun, wala akong choice kundi makinig sa radyo.

Hindi naman masama ang pagkasira nung TV. Unang-una, tipid naman sa kuryente eh. Pangalawa, ayos na ayos naman ‘yung pinapakinggan ko. Haha! In fact, nakakatawa yung pinapakinggan ko. Minsan nga mas mataas pa ang entertainment value na nakukuha ko rito kaysa sa panonood ng TV. Basta kapag ang pinapakinggan ko sa radyo ay ang Barangay LS.

Inaamin kong medyo baduy nga ‘tong radio station na ‘to. Ang pinapatugtog ba naman ay mga “jukeox hits” eh! Saka yung mga kanta ko nung bata ako (example: yung mga kinakanta nun ni Roselle Nava… mga ganun. Haha! Yung mga songs na uso noong 90’s). Pero in fairness, sumasabay na rin sila sa uso… Haha! Ang saya ko noong narinig ko yung “Can’t Fight This Feeling Anymore” na version ni Cory Monteith (yung sa Glee). Haha! Astig talaga.

Bakit nga ba baduy? Hindi kasi ito tulad ng Magic 89.9 at Wave 89.1 na Ingles kung Ingles ang mga DJ. Pero aanhin naman ang sosyal kung hindi naman ito makakapagdulot ng kasiyahang nanggagaling sa kaibuturan ng puso? :))

Marami-rami na akong nakuha sa kakapakinig ng “Talk to Papa” (Monday-Saturday, 1-3pm) at “Wanted Sweetheart” (Monday-Saturday, 9pm-12mn) na naging kasalo ko na sa aking pagkain. Ito ang ilan sa mga halimbawa:

Papa Bear: Dapat hindi na bilog na prutas ang hinahanda 'pag New Year kasi 'pag ganun puro barya lang ehh.
Papa Dan: Tama, tama! Dapat papel 'yung shape ng mga prutas para paper bills talaga.
Papa Bear: Ano ba ang mga prutas na papel ‘yung shape?
*sandaling moments of silence*
Papa Dan: Fruitcake!
Ako (habang nakikinig siyempre): HAHAHAHA!!! =))

Sabi ni Papa Dan sa program niya…

Ang daming nagkalat na overripe na calamansi na nagkalat ngayon… Kiatkiat yung tawag.

Nursery rhyme nina Papa Kiko at Papa Bear

Marami pa talagang mga nakakatawang mga pagkakataon sa pakikinig ko sa Barangay LS. Wala pa yan sa kalingkingan ng mga halakhak na aking binitiwan at patuloy na binibitiwan. Kaya naman kung bored ka at may radyo ka namang nakatiwangwang lang, ilipat na ang istasyon ng radyo sa 97.1 Barangay LS FM. Ayos gyud!! :))

“Ipakalat ang magandang balita.” –Papa Jepoy. =))

Bakit ko pinost ‘to? Wala lang. Gusto ko lang i-share ‘yung saya na nararamdaman ko tuwing nakikinig ako ng radyo. Hahaha! :))