Summer classes na naman. Hindi pa ako inaantok. Kaya heto ako ngayon, medyo nag-eemo.
Mataas ang expectations ko para sa summer sem na ito, huling summer ko na kasi and I want my last summer class to end with a bang. Ang saya saya saya ko kasi last summer sem. Pero parang kabaliktaran ang nangyayari (maliban na lang sa French 11 class ko, nag-eenjoy ako dito, mas naaappreciate ko pa lalo ang French language).
Naalala ko nung patapos na yung second sem, sobrang atat na ako mag-summer dahil makakakilala na naman ako ng ibang taong nasa ibang kolehiyo pero hanggang ngayon, patapos na yung summer sem, wala pa ako halos nakikilalang ibang tao na labas sa HRIM. Ang problema pa, halos hindi ko na nakikita ang mga kaibigan ko sa HRIM. Halos wala na rin kasing tao sa tambayan kaya medyo nakakatamad pumunta sa CHE teehee saka may sanktwaryo ako sa CAL eh - CAL Lib. Ligtas na ligtas ako sa init ng panahon.
Natatakot lang ako na baka dahil lang sa summer sem na ito, isang buwan ding halos hindi ko sila makikita, eh mangangalawang na rin ang pakikitungo ko sa kanila. Sana hindi. Alam kong hindi. Umaasa akong hindi.
Ewan ko ba, sa sobrang loner ko ngayong summer sem, natutunan kong maging panatag sa tuwing mag-isa lang ako. Minsan nga, hindi pa ako mapakali kung may kasama akong hindi ko namang gaanong kakilala dahil napre-pressure akong may mapag-usapan kaming dalawa kahit na wala naman talaga kaming gaanong "common field of experience".
Sa palagay ko, natatakot lang ako na masanay akong mag-isa na madadala ko na 'to hanggang sa darating na academic year. Ayoko nang maranasan uli na sine-seclude ko ang sarili ko dahil nga mas panatag ako na wala akong ibang iniintindi kundi ako lang. Nararamdaman ko kasing medyo nag-uumpisa na naman 'to. :|
Feel ko, out of circulation na naman ako. Yung mga kaibigan ko na lang kasi ang halos nag-uusap (well, nakakasagap din naman ako ng balita sa pamamagitan ng Facebook pero hanggang dun na lang ako, tahimik lang na nagmamasid) at yung iba ko namang kaibigan, nakatagpo na ng iba. //// Possessive much? xD Siguro, natatakot lang talaga ako na tuluyan silang mawala sa akin. It takes time for me to open up to others kaya kung open na ako sa 'core group of friends' ko, I tend to stick to them. They're all I have.
Emo nights, enchanting moments.
Magbabasa na nga lang muna ako saglit ng libro tungkol sa talambuhay ni Rizal.