Go To...

Saturday, 5 July 2008

Panaginip

Kagabi,
nanaginip ako...
...tungkol ng sa iyo at sa akin.
hinding-hindi ko ito malilimutan.
kakaiba ito sa lahat ng mga napanaginipan ko.
kung sa bagay, bihira lang naman talaga akong managinip.
ngunit, ito'y tunay na kakaiba sa lahat.

Isang kuwarto,
dun tayo nagkita... madilim
tumatangis ka.. umiiyak nang husto.
dama ko ang kalungkutang umaapaw sa puso mo
tinanong kita, bakit? may problema? makakatulong ba ako?
ngunit isang kibit-balikat lamang ang sagot na natanggap ko mula sa'yo
kaya sinamahan na lang kita.

Matagal...
sinamahan kita. matagal.
at siyempre, bilang kaibigan mo...
tatabihan lang kita habang ika'y tumatangis
dahil na rin sa pangangailangang-bayolohikal ko,
nakadama ako ng pagkaantok, hanggang sa nakatulog na ako...
ang tanging alam ko ay magkasama pa rin tayo.

Walang malay,
dahil nga tulog na ako...
ngunit nasa akin pa rin ang hapis mo...
magkasama pa rin tayo sa isang madilim na lugar
hindi ko na namalayan ang oras... o kay bilis nitong lumipas!
pag dungaw ko sa bintana, nakita ko si haring araw na tumitingin din sa'kin
at tayong dalawa ay magkasama pa rin.

Walang alam...
sa mga naganap ng gabing 'yun.
ang nasa'kin lamang ay ang hapis mo...
hapis mong nadama ko at tumagos sa puso ko.
marahil 'di mo na nakayanan... may ginawa ka ba sa akin?
hindi ko alam... wala akong malay...wala ako sa tamang huwisyo...
may nangyari nga ba sa mga panahong ito?

Ilang araw...
matapos ng ating pagkikita,
nakaramdam ako ng kakaiba...
kakaibang pakiramdam: hilo, suka at iba pa.
naisip ko, baka nga may ginawa ka sa akin. walang hiya!
pumunta ako sa isang espesyalista, at oo, nagdadalang-tao raw ako.
may ginawa ka nga sa akin.

Pinuntahan kita,
tinanong kita, ano'ng nangyari?
...nangyari sa pagkikita natin noong nakaraan?
sabi mo, oo, may naganap; at sinundan ng asiwang katahimikan
nag-aalangan mong sinabi sa'kin, ayyyy... wala ka nang tiwala sa akin...
hindi ako sumagot. tulad ng hindi mo pagsagot noong tinanong kita kung may problema ka.
halata naman na wala na akong tiwala, hindi ba?

Sabi ko...
hindi, ayos lang.
wala ito. basta wag mo 'ko iwan.
samahan mo ako sa pagsubok na ito...
magkaibigan... naman... tayo... hindi ba...?
matagal na panahon na rin naman tayong nagsama, hindi ba?
at naputol ang aking panaginip.