Go To...

Tuesday, May 5, 2009

UP Pre-Semester Chronicles

Please forgive me for my random use of Tagalog and English on this blog. >.<

Yes! Enrolled na ako!


Pero hindi ganoon kadali yun. Marami-rami rin akong naranasang kalituhan at kakakabahan.


Unang-una, pre-enlistment pa lang sa CRS nakakalito na nakakakaba talaga. Nakakalito kasi hindi ko alam kung alin sa dalawang blocks yung pipiliin ko. Nakakakaba naman kasi hindi ko alam kung ma-eenlist ako doon sa napili ko saka lalung-lalo na sa PE na gusto ko dahil sa schedule (Duckpin Bowling). Nakakakaba rin kasi hindi ko alam kung makakayanan ko yung schedule ko... dikit-dikit kasi masyado ehh. :( Pero kaya yan! Go, go, go! Naisip ko naman kasi na kahit dikit-dikit yung schedule, kahit ma-late ako, male-late din yung mga kasama ko. :)) Pare-pareho lang kaming malelate since magkakablock kami. Yun eh!


Sa awa ng Diyos, na-enlist naman ako sa lahat ng subject. Kahit sa Duckpin Bowling na sooobrang dami ang nag-demand. Sabihin natin na yung bilang ng nag-demand sa Duckpin Bowling ay doble noong slots available. Kaya napakapalad ko talaga. The CRS Server has spared me from undergoing the manual enlistment. Kaya nagpasalamat talaga ako kay Lord. :)


Ang susunod naman ay... Enrollment! Yeah! May 4 naka-schedule yung Advance Registration ng College of Home Economics. Yan ang araw na pinakahihintay ko. Ewan ko kung bakit ako kinakabahan sa araw na yun. Basta kinakabahan ako. Tapos. Yun pala may dahilan yung pagkakakaba ko. MUNTIK NA AKONG MA-LATE! HOMAHLORD! Hindi ko kasi nasabi kina mama't papa na 8am magsisimula ang briefing. Buti na lang hindi traffic. Pero ang kapalit niyan ay katakot-takot na pangongonsensya tulad ng "Dapat sinasabi mo agad kung kailan ang schedule mo." Mga tipong ganun at dahil napakabait ko, natatablan naman ako. Ayun na. Pagkababa ko ng sasakyan at pagpasok ko sa College of Home Economics (CHE) ang sabi ni Prof. I-Don't-Know-The-Name-Sorry, "Yung HRIM sa Room 101." Oh my goodness. SAKTONG-SAKTO!!! Parang nakatadhana talaga akong makarating sa oras na yun. Charos! :))


Ayun na. Tapos na yung briefing sa CHE so didiretso na ako sa Room 101. Muntik na akong lumampas! Buti na lang may mga ka-course na akong nauna doon. Yeah! Tapos nagpakita ang dalawang student assistants para sa HRIM. Sabi by alphabetical order daw ang pila para... para wala lang. Hindi ko rin alam. Buti na lang nagsimula sa letter 'A' yung surname ko. Yes! Pero may iilang nauna sa akin. Iniisip ko nga habang hinihintay na matawag yung pangalan ko, "Baka nagkakamali ako. Baka hindi talaga ako pasado sa HRIM. Baka hindi talaga ako pasok sa UP. Baka bluff lang yung letter. Baka..." Buti na lang tinawag na ako. Hindi na natuloy yung negative thoughts ko.


Tapos turn pina-fill-upan na yung student directory habang naghihintay ng turn ko para dun sa one-on-one session with the adviser. Ayos naman siya. Si Prof. Tumanan na naka-black ang naka-assign sa mga may apelidong nagsisimula sa titik A hanggang C. Bait nga ehh. Meron lang akong isang ginawa doon sa encounter ko sa kanya na nag-guilty ako. Yun ay ang hindi ko pagsagot sa tanong niya na, "Bakit HRIM ang pinili niyo?" Sumagot na kasi yung kasabay ko nun. At ako naman abala sa pagsusulat. May kasaysayan naman dba? xD


Natapos na ang engkwentro ko sa adviser namin. Nakabayad na rin ako para sa Student Fund. Diretso na sa Office of the University Registrar (OUR). Dito ako medyo kinakabahan. Sabi kasi nung isang student assistant doon, sa OUR daw magkakagulo. Pero buong tapang kong binaybay ang daan papuntang OUR kasama ang aking ama. At pagdating ko... SURPRISE! isang gusaling walang katao-tao ang nadatnan ko. Taliwas talaga sa inaasahan ko. Buti naman. :)) Naging matiwasay naman ang pag-eenroll ko. Nakakapagod lang mag-fill-up ng Form 5 na nakatayo. At nagkandagulo-gulo ako noong kukuha na ako ng Photo ID Schedule. Grabeh talaga. Hindi ko alam kung aakyat ako o bababa. Buti na lang may dakilang student assistant na lagi kong nadadaanan pero hindi ko kinakausap. At naisip kong parang siya na lang ang hindi ko natatanungan, bakit kaya hindi ko tanungin? Haha! Nasa kanya pala ang susi. At ang pagkuha ng Photo ID Schedule ang huling hakbang sa enrollment. Babalik ako sa May 11 para may ID na ako. Pero bago ang pagkuha ng ID, ung Freshmen Orientation Program muna.


May 5, Freshmen Orientation Program. Nakakatuwa naman yung mismong orientation mostly dahil sa mga emcee na si Kuya Andrew at Ate Hazel. Wala lang. Naaaliw ako sa kanila. Naaalala ko kasi kay Kuya Andrew yung teacher ko noong Grade 6 na si Sir Jojo. Ang saya lang. Haha! Ang bibibo nila. Tapos pinresent yung iba't ibang services na inooffer sa UP. Tapos yung UP Pep Squad naman. YEEEEEESSSS!!!! Yung UP Pep Squad. Yung champion sa UAAP. Sosyal talaga. Tinuruan nila kami nung mga UP Cheers. At siyempre dahil napakalakas ng memorya ko, sa diname-dame ng tinuro nila... isa lang yata ang naalala ko. [U! Unibersidad ng Pilipinaaas!] Ang galing ko talaga!


So far, I had a blast staying in UP. Ewan ko lang kung masasabi ko pa toh sa pasukan. Haha! Paano naman kasi... Feel ko talaga maliligaw ako sa mga pasikot-sikot sa UP. Pero sabi naman nina mama't papa, magkokomyut daw kami doon sa loob ng UP sa hindi malamang panahon.


Good luck sa lahat ng freshmen! :D