Go To...

Sunday, March 7, 2010

Philippine Games 2.0

Dahil nagawa ko na ang “scrapbook style” na journal (project) para sa Philippine Games na pinakamasayang PE ko sa tana ng aking labing-pitong taong pananatili sa daigdig, isang blog entry naman ang gagawin ko para maiba. Big Grin Hindi lang para maiba kundi para makatulong na rin sa iba na wala pang maisip na PE na kunin (Kunin niyo si Ma’am Jo-ann Grecia na instructor sa Philippine Games para mas masaya lalooo! Haha!) Laughing – pag print-out na naman kasi ang ginawa ko, ako lang ang makikinabang. At least, kapag nilagay ko sa blog, mas maraming tao ang makakabasa, mas maraming makikinabang (sa palagay ko). Nakatulong pa ako kay Mother Earth – I conserved paper. O ‘di ba? Bongga. Big Grin

Anyways, gusto ko lang i-chismis sa inyo yung mga highlights ng PE ko this sem (Philippine Games) mula January 27 hanggang March 5 sa pamamagitan ng paglilista ng mga larong talagang ‘nabaon’ sa kaibuturan ng aking puso’t isipan. Big Grin


Recommended Playlist (to be played of course xD) for optimum blog reading experience:


MusicPlaylistRingtones
Create a playlist at MixPod.com

1. “Pinakasabaw” Game Award - Tapatan 

Sa larong ito, chill lang talaga. Nakaupo lang. Laidback, hindi gaanong dadanak ng pawis. Pero grabe! Nakaupo ka nga lang pero mind/strategic game naman ang nilalaro mo. Nakakasabaw talaga.

Bakit nga ba nakakasabaw? Nakakaloka kasi ‘yung second and third pattern. Noong naglaro ako nito, hindi ko namalayang makakabuo na pala yung kalaban ko ng pattern na makakapagpanalo sa kanya. Badtrip! Hindi ko naharangan ‘yung mga ganun. tapatanMay mga oras din na na-co-corner ako – ‘yung tipong no choice na kundi galawin ‘yung isang pato kasi ‘yun na lang ang pwedeng igalaw kahit na hindi talaga makakatulong ‘yung damoves na ‘yun para manalo.

Sa larong ito lang ako nakarinig ng katahimikan sa PE. Grabe! Sobrang tahimik! Sa palagay ko, competitive talaga ang lahat. Pinag-aaralan ang bawat galaw ng pamato para lang manalo. Wala man lang nagchi-cheer na nanalo sila after that “sabaw” game. Akala mo naglalaro ng Chess Game sa UAAP ehh. Ang sarap i-cheer ng “Move that stone! Move that stone!” ‘yung mga tao sa panahong iyon. Ang weird lang talaga.

Pero ayos lang ‘yun. Isa kasi ito sa mga larong nakapagpa-realize sa akin na kapag Philippine Games, hindi lang basta-basta takbuhan yung mga laro – may mga laro rin na kailangan ng utak at diskarte.

Kung gagawa ako ng variations sa game na ito, siguro hindi lang puro lines ang ilalagay ko sa pattern. Maglalagay rin siguro ako ng mga curves. Medyo magulo siya pero para sa akin exciting lalo na kung ganito ang itsura ng pattern:

tapatan_patternKapag may mga curve, dapat sasabay din sa “curve shape” yung pamato. Mas maganda rin kung mas random. Mas random, mas kumplikado. Pwede rin namang yayain mo muna yung kaibigan mo, “Tara drawing muna tayo ng mga random lines and curves” tapos turuan mo na siyang maglaro ng Tapatan gamit ang ginawa niyong random doodle.

 

2. “Aray! Ang Sakit ng Braso Ko” Game Award – Hilaang Uwang

Ito talaga yung game kung saan napamura siguro ako dahil sa sakit ng katawan ko during and after the game. Sumakit talaga yung braso ko ng mga isa o dalawang araw pagkatapos naming laruin ‘yang laro na ‘yan. Ang hirap pa nga magsulat pagkatapos na pagkatapos naming laruin ‘yan eh.

Sabi nga ni Ma’am Jo, kaunti lang ang mga larong nanghilaang uwangangailangan ng lakas sa Philippine Games. Medyo nanghinayang ako nung sinabi ni Ma’am ‘yun. Nag-eenjoy kasi ako sa strength games (Nagagamit ko kasi yung laki ko. Hehe!). Pero nang nilaro ko ito, h’wag na lang siguro. Joke lang! Big Grin

Kung sa Tapatan katahimikan ang narinig ko, dito puro reklamo ang lang ang pumapalibot na ingay sa akin noon. Mga daing na repleksyon ng mga latay namin sa aming mga katawan habang nilalaro ang Hilaang Uwang. Kasama na rin ako sa mga nagreklamo siyempre. Tongue Meron ding ibang nagpapaubaya na lang sa mga kalaban nila. Oo nga naman, praktikal na rin ‘yun kaysa matagalan pa ang paghihirap mo.

Kung gagawa ako ng variation sa game na ito, siguro maisu-suggest ko na pair vs. pair yung paglalaro. ‘Yung tipong sa brasong gagamitin niyong panlaro, dalawang braso yung nakasampa sa brasong panlaro. Basta hindi parang chain ‘yung kalalabasan dalawang pairs na magkalaban. Mahirap i-explain ehh pero sana gets naman. Sigh

 

3. (One of the) Most Resourceful Game(s) Award - Siklot

Pinoy version ng jackstone. Akala ko nung una, madali lang ang game na ‘to. Paano ba naman kasi, noong nag-demo si Ma’am, parang mina-mani niya lang yung paglalaro. Tapos nung sinasabi pa niya yung mechanics nung game, parang ang dali-dali. Nasa isip ko tuloy, “Ganoon lang ba ‘yung gagawin? Parang wala naman yatang challenge.” Ang yabang pa ng isip ko.

Pero maling-mali ako. Napaka-challenging pala ng game na ito. ‘Yung pagsalo pa lang ng bato sa likod ng palad mo, ang hirap-hirap na – pagkatapos kailangan mo pang kunin ‘yung iba pang mga nalaglag na bato na gamit lang na pang-ipit ‘yung hinlalaki mo. Dapat din hindi magagalaw yung ibang bato. Kamusta naman kapag sobrang close ng mga bato, ‘di ba? So challenging talaga.

Kung challenging ang pagkaka-describe ko sa larong ito, bakit ang award ay “(One of siklotthe) Most Resourceful Game(s)”? Simple lang. May mga oras kasi na inaatake ako ng kagustuhang maglaro ng jackstone. Kaysa bumili pa ako (dahil wala na akong jackstone ngayon), Siklot na lang ang lalaruin ko – mamumulot na lang ako ng bato – kahit na iba pa rin ang experience na may bola, pwede na ring pantawid yung Siklot. Masaya rin naman. Kaya nga noong naghahanap yung kaibigan ko ng jackstone na requirement daw para sa org niya, sabi ko mamulot na lang siya ng bato baka purihin pa yung pagiging resourceful niya.

Habang naglalaro kami nito, napapansin kong ‘nadidismaya’ yung iba kong kaklase, paano ba naman kasi… malapit na sila sa tugatog ng tagumpay nang biglang mahulog o hindi nila masalo lahat ng mga batong nasa likod ng palad nila. Kaya ang maririning ay mga sigaw o ingay ng panghihinayang. Sayang nga naman kasi talaga. Nakaka-badtrip pa. Pero siyempre, panandaliang badtrip lang yun.

Kung gagawan ko ng variation ang game na ito, gagawa ako ng “money version” nito. Mas mahirap iyon kasi flat ang coins. Same rules apply pero lahat ng fingers pwede nang gamitin. Made-determine ‘yung winner sa pamamagitan ng paramihan ng amount ng coins na nakuha nila habang sila yung tumitira.

 

4. Most Action-Packed Game Award - Sambunot

Noong bata ako, kailanman, hindi ako nadapa o naaksidente dahil sa paglalaro sa labas. Kung sa bagay, hindi naman talaga ako palalabas ng bahay nung bata ako. Kahit noong high school, hindi ko matandaang naaksidente ako dahil sa paglalaro. Pero hindi ko akalaing maaaksidente ako dahil sa paglalaro pagtungtong ko sa college. Sa collesambunotge pa kung kailan inaasahan kong wala na akong gagawin kundi pag-aaral.

Naaksidente ako dahil natalisod ako dun sa kaklase kong nasa likod ko. Grabe, sumakit ang ulo ko nun. Nagkaroon pa nga yata ako ng micro-bukol. Buti na lang wala namang nangyaring malala. Peace Sign

Isa talaga ito sa mga games kung saan nakita ko yung competitiveness ng mga kaklase ko. As in nai-imagine ko na para kaming mga toro na mag-uuntugan para lang mauna sa pagkuha nung bola. Parang nasa sabungan lang ‘yung dating sa akin eh. Intense talaga. Parang hindi rin nila alintana kung maaksidente sila. Tapos doon sa last variation, hindi pa nga dapat agawin yung bola, sumusugod na ‘yung kalaban. Grabe lang.

Feel ko, usually laidback ako sa mga gamesConfused pero nung ito na ‘yung nilaro, matindi talaga. Pati ako nakikisigaw na rin. Nahawaan ako ng energy ng mga kaklase ko. So cool. Cool

Exciting na ‘yung game as it is pati yung mga variation ni Ma’am. ‘Yun nga lang, ‘di ko gaanong gusto yung last variation. Parang wala na kasing gaanong action. Ang bilis ng turnover ng bola na hindi na ako makatili dahil sa excitement. Siguro effective ‘yung last variation kung dalawa ‘yung bola. Dapat dalawang bola yung mapunta sa team para maka-score.

 

5. Pinakanakakakilig na Game Award – Can I Touch Your Hand?

Hindi ko akalaing may laro palang nakakakilig! Oo, meron ngang mga dating “game”, match-making “game” na siguradong tungkol sa love pero kakaiba ito. Ito yung game na talagang pagpapawisan ka pero may kilig factor pa rin.

Sabi ng mga reporters, parang against all odds ang drama ng larong ito. Iyon tuloy ang image na nanatili sa isip ko buong laro. At kitang-kita ko ‘yon buong laro. Nakakakilig talaga kapag yung lalaki naabot/nahawakan yung kamaycan i touch your hand ng babae tapos parang ang saya ng girl kapag nahawakan nung boy yung kamay niya kasi parang safe na siya sa kamay nung boy sa kabila ng lahat ng hadlang. Happily ever after ika nga. Wala lang. Ang sweet lang talaga. Nakaka-hopeless romantic tuloy. Day dreaming

Noong naglalaro kami, napansin ko sa mga kaklase ko, feel na feel ng ilan sa kanila na nasa teleserye kami specifically sina Mark. Sila raw ang family members na magproprotekta sa anak para hindi makuha ang mana. Ang kulet lang talaga! Tapos kapag sinabi pa ni Mark na “Hindi mo makukuha ang mana!” with matching feelings pa talaga. Kung pwede lang i-record ang boses niya habang sinasabi yun at ilagay dito ang recording, gagawin ko. Meron ding matchmaker na si Kuya Jeff. Meron ding mga kontrabida, siyempre. *ehem,ehem* Kami yun. Parang love story lang talaga.

Mas maganda siguro kung dalawang lalaki ang mag-aagawan sa isang babae para talagang may drama o di kaya dalawang babae ang nasa loob ng circle tapos isang lalaki lang yung “magliligtas” sa girl – so mamimili lang yung guy ng sino talaga ang gusto niya. Para bongga ang drama. May third party pa. Pwede rin namang i-retain na lang yung dating mechanics pero dapat pagkakuha ng boy sa kamay ni girl dapat hindi bibitawan ni boy si girl hanggang makalabas si girl sa loob ng circle para lang mas sweet. Blushing