Go To...

Monday, 30 May 2011

Prof Guide 1.1

(Dahil na-inspire ako sa Ultimate Prof Guide thread sa PinoyExchange, gumawa rin ako ng sarili kong prof guide na nagtatala ng mga tingin ko sa aking mga prof. :D)

Dahil pre-enlistment season na naman para sa summer, naisip ko na tapusin ko na yung mga “evaluation” ko sa mga prof ko nung first year pa lang ako. First sem muna para masayaaa. :D Saka na yung iba. :)

Ito muna schedule ko noon. Baka kasi may makaisip ng correlation between ugali ng teacher sa classroom at oras kung kailan yung klase ehh. Hihihi!

preenlistment1-1

FIRST SEM

  • Kas 1 – Ma’am Analyn Muñoz: Masaya ako sa klase ni Ma’am noon kasi hindi ito yung tipikal na klase sa kasaysayan noong hayskul (ibig kong sabihing tipikal ay ‘yung kailangan mong kabisaduhin yung mga sobrang daming tao at mga petsa). Isa lang yung exam namin (finals lang) kaya talagang make-or-break (pero may bali-balita na nagpapa-oral exam na raw si Ma’am – bukod pa yan sa written na finals. hmmm…). Ang naalala ko noon, chinika lang kami ni Ma’am tungkol sa history. Marami ring pinapabasa si Ma’am pero hindi naman kailangang dibdibin yung mga readings na ‘yun. Basta gawin mo lang yung part mo na basahin yung mga readings na i-aassign niya kasi pag na-sense ni Ma’am na kaunti lang ang nagbasa sa klase… PATAY! Haha! May advantage din naman yung pagbabasa ng readings ehh… lalo na kapag malapit na ang finals. Hindi ka ma-ooverwhelm sa dami ng babasahin mo. Pero ang pinaka-fun na part sa Kas 1 kay Ma’am ay ang field trip. Wuhooo!! :)) Nagpunta kami sa Mt. Banahaw. Ang saya-sayaaa. xD Ipo-post ko siguro dito yung experience ko dun. Actually, ippost ko lang yung pinasa kong assignment sa HRIM 100. Haha!
  • Geol 1 – Ma’am Luisa Tejada/Sir Joselito Duyanen: Ok na MST ang Geol 1. Kung field trip ang habol mo, merong field trip to sa Taal Volcano. Pero binoykot namin ‘to ng mga ka-block ko eh. Haha! Tinamad ata kami nun at cheerdance season yata. Bukod sa field trip, ok rin si Ma’am Tejada. Mabait si Ma’am at very considerate. Iyon nga lang, parang lagi akong inaantok sa klase niya. Medyo na-bore kasi ako nun ehh. Oh well, ako lang siguro ‘yun. Hindi kasi ako gaanong mahilig sa Geology ehh. Pero fun ang class na ‘to dahil sa mga group presentations. Iyan talaga ang super highlight ng Geol 1 ko.xD As for Sir Duyanen naman, ok rin si Sir. Medyo strict pero keri lang. Dapat dalhin mo ang “critical thinking” mo sa klase niya. Mahalagang-mahalaga iyon. At! Sa exam ni Sir Duyanen, open notes samin nun. :D Pero kay Ma’am Tejada, hindi ehh pero ok naman yung exam ni Ma’am. Naituro at nasa handouts lahat.
  • CW 10 – Sir Gerry Los Baños: My favorite GE nung first year ako. :D Namimiss ko na magklase kay Sir. >____< Ginawa niya talagang for beginners yung creative writing kasi step-by-step yung approach ni Sir kaya hindi masyadong nakakabigla. Parang hindi rin ako tinamad gumawa ng mga writing activity sa CW 10. Ang cute din ng workshop style na pagdidiscuss ng mga work namin – feel ko wala ako sa klase, feel ko nun nasa workshop talaga ako. Fun talaga yung mga pinapagawa ni Sir lalo na nung nasa fiction part na kami. Sayang nga lang hindi nabuo yung kuwento na ‘on-the-works’. Nevertheless, masaya pa rin. :D Dapat nga lang maayos ang grammar mo. Sabi nga ni Sir nun, “This is not an English 1 class,” kaya parang “expected” na maayos na dapat yung grammar and syntax mo. Oo nga pala, hindi kami gumawa ng poem. xD Parang hindi ko kakayanin kung papagawin kami ng poem. O____o
  • Comm 3 - Sir Lu Decenteceo: Masasabi kong medyo chill lang ang approach ni Sir sa Comm 3. Walang written exams. Puro oral exams lang plus 2 reaction papers about dun sa mga play na pinanood (sa amin, Atang at Lulu) at iba pang papers na hindi naman ganun ka-intense, well, medyo fun pa nga gawin yung iba eh. :) Nakakahinayang lang na bumili pa ako nung libro dahil hindi naman talaga nagamit. Pati yung pagno-note taking ko, medyo nasayang din. Pero okay lang kasi mukhang magagamit ko naman for future references.
  • Math 17 – Ma’am Marianne Robles: Sobrang swerte namin kay Ma’am Marianne! :D Ang galing magturoooo tapos sobrang considerate pa. :) Dahil mga first year pa kami nung naging teacher namin si Ma’am Marianne, feeling namin class adviser namin si Ma’am Marianne kasi meron kaming bonding moments outside class. Hihi! Ang sayaaa. As for the exams, hindi ko alam kung mahirap. ..Hindi naman ata kasi kung ano yung in-example ni Ma’am sa class, parang yun din yung lumalabas sa exam. Sadyang tanga lang ako Math. Hihi! Pero tingin ko, bongga rin magpa-bonus si Ma’am. Halos lahat kasi ng exams ko, barely passing lang, as in konti na lang papasa na. Actually, isang exam lang yung talagang napasa ko. Guess what kung ano yung grade ko, isang tumataginting na tres. Wuhooo! It was the sweetest tres I have ever received. <3 The bottomline is, pag si Ma’am Marianne yung prof, you’re in good hands. :D
  • PE 2 (Duckpin Bowling) – Sir Francis Diaz: Si Sir ay hindi masyadong existent dahil mga three meetings lang siya nagpakita para ituro yung proper form and the rest of the sem is free time para lang maglaro ng duckpin bowling na funfunfun talaga. :D Ang gusto ko rin kay Sir ay yung grading system niya dahil yung personal improvement mo sa paglalaro yung titignan. Walang competition chorvang naganap. :P

Siyempre, ang mga prof ko ang isa sa mga dahilan kung bakit ko na-enjoy nang husto ang first sem ever ko dito sa UP plus! kasama ko pa blockmates ko sa lahat ng klase (except PE). Hihihi! :D Aylabitsomuch! ^______^

Grabe, nakakahiya talaga ‘to. Haha! Ngayon ko lang natapos yung sarili kong evaluation sa mga naging prof ko nung first year, first sem. Ngayon ko lang natapos kung kailan magtthird year na ako sa pasukan. Kakahiyaaa. >__< Hihi! Anywayyyy, sana makatulong ito. :)