Go To...

Monday, May 30, 2011

Regrets.

Kung may isang bagay kang pinagsisisihan na gusto mong balikan para baguhin, ano ito?

Karaniwang sagot sa tanong na ito ay, “May mga pinagsisisihan ako ngunit hindi ko na ito nais pang balikan because I believe that everything happens for a reason.

Kapag ito ang naririnig kong sagot, ito lang ang gusto kong sabihin: Asa ka. Beauty queen paganda answer. Siyempre, sino bang may ayaw na balikan yung panahon na nagkamali sila para maitama kung ano man ang katangahan na iyon? ‘Yun nga lang, hindi ito posibleng mangyari kaya tayo nagra-rationalize na ‘everything happens for a reason.’

Malamang, dahil isa lang akong normal na tao, meron din akong mga bagay na pinagsisisihan pero hindi naman sa puntong gusto ko lahat balikan ang mga iyon. Pero may isa talagang bagay na gusto kong balikan para maitama ko – ang paraan ng aking pakikitungo sa mga kaklase at mga kaibigan ko nung high school.

Siguro kapag bibigyan ako ng chance na balikan ang high school, mas bibigyan ko ng panahon yung mga kaklase ko – yung tipong kapag may lakad sila, go lang ako. Ewan ko ba, para akong masyadong pagod sa acads noon kaya mas pinipili kong mag-stay na lang sa bahay at bumawi ng tulog. Masyado rin kasi akong busy sa pag-aalaga ng buong klase na napabayaan ko na yung “one-on-one relationships” ko sa mga kaklase ko-slash-potential close friends (ko sana). Nakakahinayang.

Naaalala ko tuloy yung sabi ni Ramon Bautista sa Formspring niya. May nagtanong sa kanya kung bakit parang ayaw na ayaw niya sa high school romance. Ang sagot niya roon ay para raw hindi masyadong umikot yung mundo ng high school-ers sa kanilang mga syota; sa high school daw kasi nabubuo ang life time friendships. Sayang naman daw ang opportunity na makilala mo pa yung ibang tao. Ako rin, nasayang yung opportunity. Wala nga lang syotang inikutan ng mundo, maliban na nga lang kung syinota ko na ang acads ko noon. Pati pala yung hiya ko at pati na rin ang sarili ko. Wow, loner.

Hindi naman ako loner noon. Hindi lang talaga ganoon ka-sociable kung ikukumpara ngayong college. Ngayong medyo nakapagnilay-nilay na ako (at dahil na rin pinagawa kami ng autobiography sa Soc Sci 1), na-realize ko na ako pala ang problema; hindi yung mga tao sa paligid ko. Ang emo ko kasi noon. Haha! Ayan tuloy, I am suffering the consequences.

Inaamin kong naiinggit ako sa mga kaklase (o ka-batch) dahil sila-sila mismo nagbabatian sa Facebook walls nila na “I miss you” or something similar kahit na dalawang taon na lumipas ang high school. Nakakatuwa kasi ang tatag ng friendships nila. Nakakainggit kapag nakikita ko sa Facebook Most Recent Updates na may magce-celebrate ng birthday pagkatapos nag-aayaan sila. At least ‘yun, may pag-asa pang ma-invite (As if iinvite pa ako); ang mas hindi okay kapag nakita ko na sa pictures na tapos na mag-celebrate ng birthday tapos hindi ka man lang inimbita. Kahit na hindi okay, okay lang talaga sa akin ‘yun kasi kung ako man ang magce-celebrate ng birthday, iinvite ko lang din yung closest friends ko para bawas cost, ‘di ba? Anyway, sa mga pagkakataong iyon, napatunayan ko ang lifetime friendship na nabubuo kapag high school na binabanggit ni Ramon Bautista.

Ayan, obvious na obvious na wala akong masyadong ka-close from high school. Sa katunayan, mabibilang lang sa isang kamay yung mga high school batchmates ko na may talagang communication pa ako – kahit sobrang madali nang makipag-communicate ngayon through Facebook.

Hindi ko sinasabi ito para magmukmok o kaya ‘magmakaawa’ na merong pumansin sa aking people from high school. Actually, naka-move on na rin ako dyan so I won’t mind that much kahit na pareho pa rin ang pakikitungo sa akin ng mga batchmates ko. Heck, I am not even asking for a change. Ang awkward siguro kapag ang isa sa mga kaklase ko noong high school ay bigla na lang mag-reach out sa akin ngayon na wala na kami masyadong common ‘field of experience’.

Nandito lang ako para ipahayag yung mga panghihinayang ko. As much as possible, ayaw ko na may makaranas pa nito. Kaya if ever na ikaw, ang aking minamahal na mambabasa, ay nakakaranas nito… Change your ways, girlfriend (or guyfriend)! Sayang ang chance. Make life-long friends. Reach out. Huwag masyadong stressed out sa acads kapag high school (Hindi ko sinasabing huwag seryosohin. Huwag mo lang iikot yung buong mundo mo sa pag-aaral. Nakakalungkot kasi.).

Ngayong college, nagbago na ako nang bongga. Wala kasi akong mararating ‘pag ganyan pa rin ang attitude ko. Actually, nagbago ako dahil sa tulong ng minamahal kong blockmates (ICE CHRIM! :D) at siyempre ng isa ko pang minamahal, ang UP SHARP. Sa tingin ko, sa kanila ko nahanap ang karamihan sa lifelong friends na hindi ko ‘nakadaupang-palad’ noong high school. :)