Go To...

Wednesday, 1 June 2011

Prof Guide 1.2

Ito naman yung schedule nung second sem, innocent (freshie) days:

 

Tuesday

Wednesday

Thursday

Friday

8.00-9.00

Econ 11 (lec)

HRIM 100

Econ 11 (lec)

9.00-10.00

HRIM 100

10.00-11.00

PE (Phil.Games)

HRIM 100

PE (Phil.Games)

11.00-11.30

11.30-1.00

Math 2

Hum 1

Math 2

Hum 1

1.00-2.00

Math 100

Math 100

Math 100

Math 100

2.00-2.30

2.30-3.00

Eng 10

 

Eng 10

 

3.00-4.00

Eng 10

Econ 11 (disc)

Eng 10

Wow, grabe. ‘Di ko akalain na ma-rereconstruct ko pa yung schedule ko nung first year, second sem. xD

Anyway, ito na yung pinakahihintay na ‘evaluation’ ko sa aking profs for AY 2009-2010, second sem. :)

  • Math 2 – Ma’am Mary Anne Tirado: Chill lang sa klase ni Ma’am. Uupo lang tapos kopya ng notes, aral pag may exam. Ganun lang. Tapos yung mga lumalabas sa exam ni Ma’am ay yung mga ginawang niya ring example sa discussion, siyempre iniiba lang yung given. Ayun, keri naman. Tapos may isang requirement at the end of sem samin noon. Parang gagawa ng ‘creative report’ about sa practical applications ng Math na makikita sa movies. By group naman yun kaya kayang-kaya. :) At si Ma’am mismo ay napakabait at magaling magturo. Step-by-step talaga. No unannounced exams, no unannounced quizzes. Kung may assignment man, easy lang din basta kinopya mo yung notes. :)
  • Math 100 – Sir Nathan Caalim: ‘Pag si Sir Caalim yung prof mo sa Math 100, winner na winner ‘yan! Magaling siyang magturo, sobrang step-by-step tapos kung anong tinuro, yun din halos yung lumalabas sa exam. Bukod pa dun, mabait si Sir sa partial points. Tapos lagi pang buhay na buhay yung klase kasi kung anu-ano yung mga shine-share niya na sobrang nakakaaliw naman talaga. Tinuruan niya pa nga kami ng ‘techniques’ kung paano mapansin ng crush namin ehh. :)) Funneh! Sa pagtuturo naman ni Sir, ayun na nga, step-by-step at organized din.
  • Hum 1 – Ma’am Noemi Rosal: Si Ma’am Rosal ay isa sa mga pinaka-wirdo kong naging prof. Ewan ko baaaa. Ang gulo niya magbigay ng requirements tapos nagugulat na lang kami na may dagdag na naman na requirement, eh, hindi pa nga tapos yung isa. Basta, hindi masyadong clear yung instructions niya so bahala na kaming intindihin at diskartehan ang yung mga hinihingi niya. Dahil diyan, halata naman siguro na medyo marami siyang requirements, ano? Ma-paper ganun. Medyo nawindang nga ako dito ehh. Sinabay ko pa sa Eng 10, tsk! Pero yung papers naman dito, hindi naman kasing teknikal ng Eng 10. In fairness naman, na-enjoy ko gawin yung ibang papers kasi parang medyo creative writing class yung dating (example: tatapusin yung kuwento, stuff like that). At ang isa pang nagustuhan ko sa class na ito ay ang mga maiikling kuwentong pinapabasa sa’min, yung iba medyo mahaba pero okay lang dahil entertaining talaga basahin. Saka, hindi naman sobrang lalim na Tagalog yung ginagamit sa mga kuwentong ipinabasa niya. Mind you, medyo bias yang pagka-enjoy ko kasi mahilig talaga akong magbasa ng maiikling kuwentong Tagalog, hindi ko lang talaga alam kung saan ako makakahanap ng mga ‘must-reads’.

Anyway, isa pa sa mga requirements ni Ma’am ay yung final paper na book review. Kung gagawin niyo ito under kay Ma’am, mahabag kayo sa mga sarili niyo – gawin niyo na agad hangga’t maaga at huwag akong tularan. Kamusta naman ang pagka-cram ko dito – start ng sem ginawa ang requirement tapos ginawa ko lang ng mga 15 hours straight. Kahabag-habag talaga. Ayan ang napapala ng mga crammers. So siguro naman medyo halata na keri lang yung book review, ‘no? Nagawa ko nga ng isang gabi lang ehh. >___< Bukod sa final paper, basis din ni Ma’am ng grades ay ang exams niyang matitindi. Grabe lang ahh! Halos lahat essay type tapos yung mga tipong “Sumulat ng isang komprehensibong sanaysay tungkol sa…” Kaya mahalagang-mahalagang makinig sa discussion niya at basahin ang bonggang-bonggang readings niya.

Pero sa totoo lang, enjoy ko talaga ang class na ito (minus the prof) dahil nga sa mga readings. Interes ko kasi talaga ang Panitikang Pilipino ehh. <3 At, ‘wag naman kayong matakot kung si Ma’am yung nakuha niyo. Mabait naman siya bilang tao – kayanin mo lang yung requirements + readings niya. :)

  • Econ 11 (lec) – Sir Gerardo Sicat: Wala akong gaanong masasabi kundi boring. Magaling naman si Sir pero hindi ko lang talagang magawang maging interesado sa mga tinuturo niya. Siguro dahil hindi ko rin masyadong ma-appreciate dahil sa likod kami nakaupo ng mga kaibigan ko (may seating arrangement kasi for attendance). In fairness, meron namang iilang bright moments kay Sir kung kailan nagpapatawa siya at kinukuwento niya yung experiences niya. Sa exam naman ni Sir, okay naman. Siguro kinig lang ng konti sa lectures tapos basa ng hand-outs. Pero kung katulad ko na hindi magawang makinig sa klase, magsu-survive ka na sa self-study.
  • Econ 11 (disc) – Ma’am Loresel Abainza: Okay lang si Ma’am magturo. Inuulit niya nang bongga yung concepts na hindi gaanong clear sa lec. Ine-emphasize din niya yung mga dapat tandaan para sa exam. Actually, parang mas ‘facilitator’ ang dating ni Ma’am eh. Kasi meron namang mga worksheets na dapat sagutan every meeting at assignments na dapat i-accomplish so sinasagutan lang yung mga exercises na ‘yun para maintindihan ng lahat.
  • Eng 10 – Ma’am Ica Fernandez: Magaling si Ma’am Ica magturo pero siyempre kung nag-enlist ka sa isang Eng 10 class, huwag kang aasa na magiging chill lang yung GE na ‘yun. Kasi nga ‘di ba, technical writing class ang English 10 so talagang matrabaho ang klaseng ito. Okay lang sa akin kasi natuto talaga ako. Dahil sa klaseng ito, natuto akong gumawa ng formal reports, position paper, reaction paper (na maayos-ayos) at concept paper. Natuto rin akong mag-cite ng sources nang tama. Buti na lang kinuha ko ang klaseng ito as soon as possible kasi hindi ko rin ma-imagine kung makakagawa ako ng maaayos na paper kung hindi ako nakapag-Eng 10. Kaya naman, isang bonggang-bonggang thank you sa Eng 10 at kay Ma’am Ica! :D
  • HRIM 100 – Ma’am Liza Guggenheim: I love Ma’am Guggi soooo much! Ang galing niya kasi magturo tapos sobrang ganda pa ni Ma’am. Grabe, she doesn’t look her age at all! Sobrang game din ni Ma’am Guggi kasi dati may nagreport about recreational tourism sa Japan so nagdala sila ng Dance Revo bilang sa Japan naman ‘yun nanggaling. Ayun, ang cool lang kasi pati si Ma’am Guggi tinry yung Dance Revo. Astig! \m/ Anyway, about naman sa pagtuturo ni Ma’am, sobrang okay! Kaso medyo writing class ang HRIM 100 dahil ang daming notes! Pero ang highlight ng class discussions sa HRIM 100 ay ang three consecutive group reporting about tourism. Ang saya-saya kasi sobrang creative at fun ng mga creative reports namin at every class is a chibugan class dahil pinepresent din ang pagkaing naaangkop sa report. Basta hindi na ako masyadong magkkwento tungkol sa class na ito para may suspense pa rin kahit papaano. Haha! I-take niyo na lang as elective kung pwede sa degree program niyo kung hindi kayo HRIM majors. :D Oops! I forgot. Ang pinaka-highlight pala sa klaseng ito ay ang hotel weekend. Weee! :D
  • PE 2 (Philippine Games) – Ma’m Jo-ann Grecia: One of the best profs ever si Ma’am Grecia. Ang pinaka-ina-admire ko kay Ma’am ay ang effort niyang matawag at makilala ang bawat estudyante niya by name. Ang galing nga ni Ma’am ehh. Hindi ko alam kung paano niya natatandaan yung mga pangalan namin kaya naman ‘pag nakakasalubong mo siya, siguradong magbabatian kayo. Ang isa pang astig kay Ma’am ay palagi siyang sumasali sa mga games. Hindi ko nga alam kung paano kami nagre-greydan ni Ma’am eh. Haha! Ang cool lang. Basta super fun ng PE na ito dahil wala kayong gagawin buong sem kundi ang maglaro at mag-enjoy. :D