Go To...

Monday, January 21, 2013

The Unexpected Phone Call

May nangyaring "kakaiba" sa akin kanina.

Habang ako'y papauwi at nakasakay sa FX, biglang may tumawag sa akin from an unknown number. Sabi niya siya raw si Jenny (o Zeny?) tapos mula sa isang international company something something. Alam niyang taga-UP ako in fairness. Nagulat din ako kasi wala pa naman akong alam na pinag-aapplyan ko bukod sa New World for practicum. Tapos iniinvite niya ako for an interview raw sa may Megamall daw. Dahil maingay sa FX, tinanong ko siya kung okay lang na mag-usap na lang kami uli in a few minutes for confirmation kasi hindi ko siya maintindihan. Pumayag naman siya.

Pagdating ko sa paroroonan ko na relatively tahimik kesa sa FX, hinintay ko muna si Mama regarding this kasi medyo may kinalaman 'to sa career ekek so kailangan ko ng guidance. Pero siyempre, naeexcite ako kasi siyempre first job kung saka-sakali tapos ako pa yung inofferan dahil napag-alaman nilang okay raw yung grades ko. (Pero siyempre, sobrang dami pa ng mga taong di hamak na mas magaling kaysa sa akin, bakit ako?)

Nung tinawagan ko na, mas klaro na yung details: LifeGen Technologies daw yung company (pero di gaanong klaro) tapos nakuha raw niya yung number ko from a referral na taga-UP rin na nagwowork sa company. So, medyo nag-isip ako: Bakit hindi na lang nya sabihin kung sino? Wala namang masama. Sa New World nga, yung HR pa yung nakakaalam, o kung hindi nila alam, sila yung nagtatanong kung may referral - dapat specific person. Pero nung kausap ko siya, medyo nagduda na ako kasi ang sabi nya sa may Ortigas daw yung office nila. May nabasa na kasi ako dati na parang nanghihikayat sila ng tao especially fresh grads and young professionals na sumali sa company nila bilang management trainees or project managers mismo (basta maganda yung position) through phone calls; sa totoo lang, networking yung papasukan nung mga kakagat sa invitation nila. Well, ayon yan sa nabasa kong blog.




Lalo pa akong naghinala nung tinext ko yung kausap ko. Tinanong ko through text kung ano yung company nila, NPE US International Company daw sabay ifefeature daw sa Discovery Channel yung company nila (CHAROT NILA! HAHA) Wow, sa pagitan lang ng ilang minuto nag-iba na yung pangalan ng company! Saka tinanong ko uli kung sino exactly yung nag-refer sa akin para naman mapasalamatan ko just in case. Ang sabi lang, from UP raw. Fishy.

Ni-revisit ko yung blog na nabasa ko dati. Voila! Nakita ko yung exact same number nung nagtext sa akin: 09177152143. Hala! Tumamang hinala talaga ako. Tapos saktong-sakto rin yung tinext sa akin dun sa tinext  sa nagcomment na ito:

Kindly note down our appointment on Oct. 13 at exactly 2 pm. Bring 1 valid ID and wear a business attire. Our office is located at the back of SM Megamall along San Miguel Ave. - Robinsons Bank Bldg. Ok see you then. Godbless!

Ganyang-ganyan! Palitan lang ng date. Nakapagtataka rin na yan lang yung hinihingi. Hindi man lang pinapadala ng curriculum vitae? Weird talaga. And fishy.

Buti na lang nabasa ko na dati pa yung deceit na lumalaganap. Natulungan talaga akong nag-discern. Kaya naman nagpost ako para tumulong naman sa iba.

Hindi ko lang maconfirm kung legit 'to. Ayokong mag-risk. Besides, pangalan pa lang ng company, hindi na kaaya-aya (para sa'kin) na maging affiliated pa sa kanila. At, wala silang website at hindi masearch sa Google.

So, alam na next time. Kapag may tumawag na iniinvite ka for an interview or appointment, google-google din muna.