Bigla lang kitang naalala dahil sa isang panaginip. Close na close daw tayo nun. Ang clingy ko pa nga sa'yo kaso alam kong imposible kasi may girlfriend ka. Pero hindi napigilan ng katotohanang yun ang biglaang-panunumbalik ng mga nararamdaman ko para sa'yo. Sa totoo lang, hindi ko alam kung legit itong "It's All Coming Back To Me Now" na drama ng buhay ko ngayon e. Pero namimiss kita. Sobra. Sana lang masabi ko sa'yo 'to kaso ang naiisip ko, "Para saan pa?"
Pero nung nag-break kayo, masama na ako kung masama, bigla akong sumaya. Bigla akong nabuhayan. Pero siyempre, alam kong nagluluksa ka pa (siguro) sa sinapit ng relasyon ninyo at nasa moving on stage ka pa (siguro). Alam ko namang wala akong pag-asa sa'yo lalo pa ngayong wala naman talaga tayong ugnayan sa isa't isa. Sa katunayan, nung April 2012 yung huli nating chat sa Facebook tapos ang huli nating pagkikita? Sa birthday ng isa sa mga kaibigan natin, about two years ago. (Well, ginreet kita nung birthday mo pero hindi talaga siya conversation para sa akin.)
Kahit na wala akong pag-asa sa'yo, abangers nga lang ako. Kaya lang, hindi mo naman alam na abangers ako. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit hanggang ngayon hindi ako maka-move on. Siguro, masyado akong naniwala sa sinasabi nila na hindi makikipagclose nang bongga ang lalaki sa isang babae kung hindi niya nakikitang magkakaroon sila ng something sa future (at madidisprove ko na ito ngayon personally. heh!)
Bukod doon, siguro nakulong ako sa mga alaalang naipon ko na kasama ka. Sa'yo lang kasi ako naging pinaka-close nung mga panahon emo pa ako at tinolerate mo ang pagiging emo ko --- inencourage mo akong mag-open up at sinuportahan mo talaga ako sa mga trip ko sa buhay ko noon lalo na yung pagsusulat ko. Pati nga yung pagkanta-kanta ko, sinuportahan mo e. Nakakatuwa lang isipin na naging close ako sa isang tulad mo. Sobrang nagpapasalamat ako kasi hinayaan mo rin akong pumasok sa buhay mo. Sa totoo lang, crush nga kita nung elementary pa tayo e, hindi ko inakalang magkakaganoon tayo pagdating ng high school.
Kaso nakakaiyak din na hindi ko inalagaan yung pagkakaibigan natin. Out of sight, out of mind yata kasi yung drama natin sa buhay. Or ako lang yun. Pero sa'yo, iba. Kahit kailan, hindi ka nawala sa isip ko. Yun lang, hindi ko alam kung paano magreach-out sa'yo. Damn me and my conscientiousness. Ayoko kasing nakakadistorbo. Sinusuppress ko lang siguro tapos biglang ito na naman kasi malaya ka na.
Alam kong hindi na maibabalik ang dati nating samahan. Siguro nga hindi na tayo magkikita ever. Pero sana matanaw kita kahit minsan lang, yung tipong nagkasalubong lang tayo o nakita lang kitang namamasyal. 'Pag ganyan, sa tadhana na lang ako aasa.