Go To...

Tuesday, June 9, 2009

UPCAT 2008 Memories

Because of the A(H1N1) Virus something, the opening of the new academic year for most schools will be pushed through next week. For example, in UP Diliman where my world will revolve for years, classes will resume on June 16 instead of June 9.

Having spared of a week is a boon. It gives me more time to prepare for the largest leap I’ll do in my entire life. But before this so-called ‘largest leap’, I prepared my butt off for this. And now I’d like to share my preparations, experiences taking UPCAT and some random ramblings connected with it.

I’d express this in conversational Tagalog… So get ready. Haha! And if I say conversational, it means that there will be a touch of English words on it. Haha! Brace your self for a novel-length post.

Last year ako nag-take ng UPCAT at ang isang malaking pagkakamaling nagawa ko ay ang hindi pag-post sa blog ko ng mga first-hand memories ko nun. Sayang. Pero medyo naaalala ko pa naman kung anong naramdaman ko nung mga oras na yun. Hindi nga lang kasing feel na feel nung una pero pwede na ring pagtiyagaan. Haha!

Hmmm… Nung high school, isa ako sa mga ‘tinitingala’ (siguro…) pagdating sa academics. Modesty aside, masasabi kong matataas naman ang mga grades ko noon kaya siguro ganoon. Pero wala akong tiwala sa sarili ko. Hindi ako magaling sa Math. Hindi rin ako magaling sa Physics. Hindi rin masyado sa Grammar at lalo na sa Literature. So ibig sabihin, wala talaga akong expertise. ‘Tinitingala’ ako ng ibang tao pero ako mismo, walang tiwala sa sarili ko. So yuun. Sa madaling salita, hindi ako confident sa kung anumang kakayanan ko. At lalo’t higit mababa lang ang confidence level ko na makapasa sa UPCAT.

Ang medyo nag-boost lang ng confidence ko ay ang pagrereview ko sa MSA-Quezon City. Masasabi kong naging malaking tulong nito sa akin. Na-cover na kasi yung mga naging lesson namin nung fourth year. Pero sa tingin ko, hindi naman talaga kailangang mag-review center dahil ang ginagawa lang naman dun ay binabalikan ang mga dating napag-aralan. Hindi spoon feed ang ginagawa sa review center na yun. You also have to do your part by doing your assignments and studying and reviewing your past lessons. So kahit walang review center, dapat mag-review kahit sa sarili lang. Ang advantage lang na nakikita ko sa pagpasok sa isang kapita-pitagang review center ay… alam mo kung ano ang pag-aaralan mo. Hindi ka ma-o-overwhelm na masyado kang maraming pag-aaralan kasi parang may naka-outline na topics na dapat mong pag-aralan. Matutukoy mo rin kung anu-ano yung mga weaknesses mo para ma-improve mo yung mga yun. :D

So yun na. Halos buong bakasyon nagrereview ako. Every Saturday kasi yung klase ko kaya during weekdays, gawa assignments sabay review. :D Pero feeling ko nun, hindi pa rin sapat kasi ang dami ko nang nakalimutan at hindi pa alam. In short, kulang na kulang talaga ang mga bagay na dapat kong malaman.

Pero siyempre, dumadating din ang August 3, 2008 – ang petsa kung kailan ako nag-UPCAT. Hindi maiiwasan yun, malamang. Ang masama pa nito, may napagalitan pa ako a night before the UPCAT. Ginabi kasi ako kagagawa ng project sa bahay ng kaklase ko. So I’m kinda mentally disturbed y’know. Naalala ko pa talaga nung sinasabi ko sa sarili ko nung gabing yun na “Hindi ko talaga ipapasa yung UPCAT na ‘yan!” Sabay iyak-iyak pa. Pero siyempre deep inside, gusto ko pumasa kasi nanghihinayang ako sa ginastos ng tatay ko para sa review center ehh. Kaya yun. Um-ok naman ang lahat kinaumagahan.

Balik sa August 3, 2008 – Pang-hapon ang sked ko kaya di gaanong hassle kahit nagdrama pa ako a night before. Haha! Maaga talaga kami pumunta sa UP. Yung mga tipong 12:30 yung test ko pero before 8am umalis na kami ng bahay. Haha! Excited. Pero may katwiran naman. Nakatira kami sa Paranaque. Mga 2 hours travel din yun kaya ayos lang. :D Naalala ko nun, umuulan-ulan pa. Whew! Sabi nila pag umuulan, blessing daw yun. Kaya medyo lumakas ang loob ko nang konti. Konti lang.

Tapos dumaan pa kami sa Jollibee. Haha! Bumili ng machichibog ko bago at habang nag-eexam (na hindi naman nagalaw.haha!). ~Random. Haha!

Dumating kami sa UP ng mga bandang 10:30am. Grabeh na ang kaba ko nun. Para na akong masusuka. At dahil pasaway ako, kahit hindi advisable na mag-review hours before the exam, nag-review pa rin ako nang konti. Sa pagkakaalala ko Statistics ang nireview ko nun ehh. At dahil natauhan ako na hindi ko na dapat gawin yun, nakinig na lang ako ng ‘inspirational music’ (Stand By Me yun. Version pa ni David Archuleta yung pinakinggan ko noon. Haha!) at umiglip na lang ako sa sasakyan. Hindi naman ako nakatulog nang maayos dahil sa sobrang kaba! Haha! Mababaw lang talaga tulog ko nun kaya madali akong nagising. Heh.

So yun na… Magtwe-12nn na nung pumunta kami sa testing area. Mas lalong umigting ang aking kaba, sobra lang. Buti na lang may nakita akong schoolmate ko habang nakapila at naghihintay pumasok dun… sa College of Engineering ata ako nagtest nun. At yun! Testing time na! Doon ako sa auditorium ng College of Eng kung tama ang pagkakaalala ko. At ang lamiiigg! Haha! Nanigas talaga ang kamay ko. =)) Ito ang ilan sa tips na gusto kong ibahagi. :D

  • Magdala ng jacket just in case na malamig yung pagtetestingan niyo.
  • Hwag kalimutan ang mga dapat dalhin.
  • Wag na kayong magtangkang mag-review sa mismong araw ng exams. Wag akong tularan. Haha!
  • Right minus wrong ang UPCAT kaya mag-ingat! Oh well. Iniwan kong blanko yung mga hindi ko alam na sagot sa Math… Pero sa Reading, Grammar at Science, hinulaan ko na lang. Ako lang yun. :P
  • Magdala ng menthol candy. Ito lang ang chinibog ko buong exams. Isang Tupperware ng Maxx candy ang dala-dala ko nun. Iba-iba pa ng flavors! Haha! Sabi kasi ng adviser ko nung Third Year, makakatulong daw ito para mag-‘klaro’ yung utak mo. Para sakin kasi, nakakatanggal hilo toh lalo na pagdating sa Reading Comprehension.
  • Pag may dala kang inumin na liquid, ingatang hindi ito matapon. Yung akin kasi, natapunan yung test permit ko ng dalandan soda o tubig ata yun. Basta kadiri na yung test permit ko. Ayun. Buti mabait yung nangolekta ng test permit. :D Pero may tradisyon na ata na kapag may nabasa yung mga papeles pang-UPCAT mo, papasa ka. Tulad ng blogger na ‘to. Kayo na ang bahala kung gusto niyo basain yung papel niyo. Pero mas maganda kung yung drama ay hindi mo sinasadya para mas effective.
  • Pray, pray and pray. :D Surely, good things will come your way.
  • Wala na akong maisip. Haha!

Hindi sa pagmamayabang, hindi ako gaanong nahirapan sa UPCAT basta hindi kasama sa usapan ang Math dahil hirap na hirap ako sa subject na yan. Sobrang hina ko sa Math. Soooobra talaga. As in sobra. Nakatulong ba ang review center? Oo. Mas mahirap pa kasi yung dry-run exam nila kesa sa UPCAT. Haha!

Sa totoo lang, mas nahirapan pa ako sa DLSUCET. Promise. May Vocabulary kasi sa English tapos may Essay pa. I hate essays! >.<

Pagkatapos ng test, kumain kami sa Bagoong Club. Yum, yum! Post-UPCAT par-tay. Haha! Sana makakain kami uli dito. May nangyari kasi samin na nakapagpabago ng lifestyle namin… Anyway, balik sa UPCAT stories. Yun. Tapos na.

Fast forward to January 17, 2009…

Ang judgment day. Badtrip ang araw na toh. Hindi ko maaccess ang site ng UP. Peroo!!! Buti na lang may kaibigan ako sa UP. Tinawagan niya ako at sinabingggg…… PASADO AKO SA UPCAT! Oh yeah! Hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasabi niya. Sobra. Sobra. Tapos UP-Diliman pa!!! Hindi talaga ako makapaniwala. Tapos sinabi niya sa HRIM ako nakapasa, sa second choice ko. Inamin ko medyo nalungkot ako. Ako naman ang pumili ng course na yan. Pero di ko na siya masyadong trip nung inanawns na yung results ng UPCAT. Ayoko na kasi mag-shift ehh.. Matatagalan pa ang pag-aaral. Pero ayos lang. Nawala naman agad ang slight disappointment ko kasi naisip kong “UP-Diliman yun! Mga mapapalad na tao lang ang nakakapasa dun at isa na ako dun.” Kaya uber thank you ako kay Lord hanggang ngayon. :)

Inisip ko na rin na baka hindi talaga ako para sa Psychology. Baka may mas magandang plano sakin si Lord pag dun ako sa course na yun. :D Kaya yun! Go na go na sa HRIM. Kung hindi ko magustuhan, eh di shift siguro. Pinag-usapan naman namin nina Inay at Itay ehh...


ETA: Nalimutan kong sabihin... Hindi ibig sabihin na may highest honors kayo or mga kaklase niyo ehh pasado na sa UPCAT. Kaya wag kayong masyadong mabahala na hindi kayo papasa kasi marami kayong ka-kompetensyang valedictorian, salutatorian at iba pa. Hindi yun nasusukat dun! :D Nasa paramihan ng stocked knowledge yan! :))

Sooooo…. There! I gave y’all a hindsight of how I got to UP. Haha! I hope I can survive the phase 2 – Ang mabuhay sa UP sa loob ng apat na taon.

Hoping for the best to come. ;)